Ayon kay DENR Sec. Elisa Gozun. ang puno ay isa lamang sa mga lugar na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga campaign poster. Ang ilan pa sa mga ito ay kinabibilangan ng tulay, kawad ng kuryente, post shrines at mga pangunahing kalsada.
Sinabi ni Gozun na hindi dapat na sinisira ng mga kandidato ang mga puno dahil isa itong likas na yaman na dapat pahalagahan.
Aniya, karamihan sa mga puno ay nasisira dulot ng mga staple wire na ginagamit ng mga kandidato sa pagdidikit ng kanilang mga campaign posters.
Hinihiling din nila sa mga kandidato ang pagpapatupad ng no nails, no staple wires policy upang mapangalagaan ang mga puno. (Ulat ni Doris Franche)