Ito ang tinuran kahapon ni Senator at vice presidential candidate Loren Legarda kaalinsabay ng pagpasa sa ikatlong pagbasa ng kanyang iniakdang Senate Bill No. 2723 na magbibigay solusyon sa matinding problema ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan, kabilang ang marital rape at incest.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Loren, magiging tungkulin ng estado ang bigyang proteksiyon ang mga babaet batang biktima ng karahasan, ang magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga maysala, at ang pigilin ang karahasan sa loob ng pamamahay (domestic violence).
Si Legarda ang principal author ng SB 2723 na inisponsoran at idinepensa ni Sen. Luisa "Loi" Ejercito Estrada.
Kung maisasabatas, ituturing ng Anti-Violence Against Women and Children Act na rape ang anumang pagniniig sa loob ng kasal na walang pagsang-ayon ng magpartner. Magiging public crimes na rin ang mga datiy itinuturing na domestic disputes kung kaya puwede nang pigilan ito ng mga alagad ng batas. (Ulat ni Rudy Andal)