Bukod kina Roco at Villanueva, naghain rin ng kanilang COC ang buong candidatorial slate sa ilalim ng Partidong Aksyon Demoratiko ni Roco si dating Tarlac Cong. Hermi Aquino na pamangkin ng dating Senador Ninoy Aquino.
Nabatid na bago nagtugo sa Comelec ang grupo ni Roco ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa bayaning si Jose Rizal sa Luneta.
Mula sa Luneta matapos na magtipon-tipon ang mga kasamahang kandidato, tumuloy si Roco sa Comelec sa Intramuros.
Ilang oras lamang ang nakalilipas ay dinumog naman ng kanyang milyong tagasuporta si Villanueva.
Nasa hanay ng senatorial slate ni Roco sina dating Solicitor General Frank Chavez, broadcast journalist Jay Sonza, Atty. Melancio "Batas" Mauricio, dating Gov. Eduardo Joson, Sen. Rodolfo Biazon at ang napabalitang bulag na kaalyado nito na si Nicanor Gatmaytan at dating Security and Exchange Commission (SEC) chairman Perfecto Yasay.
Iginiit naman ni Roco na wala siyang pakialam kung makakatunggali niya at nagsama na sa line-up sina Pangulong Arroyo at Sen. Noli de Castro sa darating na halalan.
Pinasaringan naman nito si Fernando Poe Jr. na hindi umano kayang mamuno sa bansa dahil sa wala itong karanasan sa pulitiko di tulad ni dating pangulong Estrada na may 20 taong karanasan bilang public official bago naging pangulo.
Pangunahin namang plataporma ni Roco ay ang pagbibigay ng libre at mabuting edukasyon sa mga Filipino.
Samantala, nabatid sa rekord ng Comelec, umaabot na sa walong personalidad ang naghain ng kanilang COC sa pagka-bise presidente at 16 sa senatoriables. (Ulat nina Ellen Fernando/Gemma Amargo)