Ito ang ginawang pagsisiwalat ni Calabang, Camarines Sur Vice Mayor Ramoncito Roco Robles, pinsan ni Roco.
Sinabi ni Robles na kasabwat umano ni Raul Roco ang mga kapatid niyang sina Camarines Sur Rep. Sulpicio Roco at Naga City LTO chief Ramon Roco sa mga "under-the-table" transactions.
Sa sinumpaang salaysay ni Robles, ang P18 milyon na ibinulsa umano ni Roco ay kikil niya sa mga contractors at suppliers ng DepEd noong siya pa ang kalihim ng nasabing ahensiya at mga contractors sa mga infrastructure projects na pinondohan naman ng kanyang pork barrel noong senador pa siya.
"Ang naging partisipasyon ko ay ang kolektahin ang mga komisyon at cash advances sa mga kontratista, ayon sa instruction ni Raul Roco at mga kapatid niya," pahayag ni Robles.
"Ngayon ako ang iniipit ng mga kontratista, ako na wala namang naibulsa sa mga transaksiyon ang kanilang pinagbabayad," sabi pa ni Robles. "Gusto pa nilang doktorin ang mga dokumento na payo na din at inihahain sa akin ng Roco Kapunan Migallos Perez & Luna Law Office," dagdag pa nito.
Si Roco ay isa sa mga prinsipal na may-ari ng nasabing law office.
Mga P12 milyon naman ang naideliver ni Robles kay Roco na kikil ng huli mula sa mga contractors na pinaboran niyang gumawa ng mga proyektong pinondohan ng pork barrel niya noong siya naman ay senador.
"Mga P7 milyon ang na-iremit ko direkta kay Raul Roco," wika ni Robles. "Pero minsan inuutusan niya akong iabot ang pera sa kapatid niya, at mga P5 milyon nga ang naiabot ko kay Sulpicio."
Ayon pa kay Robles, iba naman ang diskarte ni Ramon Roco. Habang si Raul Roco ay binibigyan siya ng instructions kung sinong contractors ang bibigyan ng award, si Ramon naman anya ay humihingi ng advance cash payments sa mga kontratista kapalit ang pangakong sila ang makakakuha ng proyekto.