Ayon kay Atty. Jennifer Buendia, chief ng Clerk of Court ng MRTC, halos 30-35 porsiyento lamang ng mga empleyado nila ang sumama sa sanay mass leave kahapon.
Nagkaroon na lamang ng 3 minutong pagtitipon sa quadrangle ng Manila City hall upang ilabas ang sama ng loob ng mga kawani tungkol pa rin sa maanomalyang Judiciary Development Fund (JDF).
Nilinaw pa ni Buendia na normal pa rin ang mga transaksiyon ng mababang hukuman na noong una ay balak iparalisa ng mga rank and file employee dahil sa sasama ang mga ito sa mass leave.
Sa memorandum circular mula sa Office of the Court Administration na pinirmahan ni Justice Presbiterio Velasco, nakasaad dito ang civil service rule na nagpapaalala na walang matatanggap na benefits ang mga court employees sa sandaling sumali ang mga ito sa mass leave. (Ulat ni Gemma Amargo)