Ito ang napagbotohan kahapon ng House committee on justice kung saan 35 o mayorya ng 69 miyembro ang nagsabing "sufficient in form" ang reklamo.
Sa Oktubre 22 ay pagbobotohan naman ng komite ang isyu ng "sufficiency in substance" na pagbabatayan kung itutuloy o ibabasura ang complaint.
Una nang nagsampa ng kaso si Estrada sa pamamagitan ng abogado nitong si Rene Saguisag ng kasong paglabag sa Konstitusyon at betrayal of public trust dahil sa ginawa umano ng mga itong pagsasabwatan upang mapatalsik siya sa puwesto at mailuklok naman si Gloria Arroyo bilang pangulo.
Kabilang din sa inireklamo ni Estrada sina Justices Artemio Panganiban, Josue Bellosillo, Reynato Puno, Jose Vitug, Leonardo Quisumbing, Antonio Carpio at Renato Corona.
Nilinaw naman ni Estrada na ang kanyang reklamo ay hindi upang labanan ang SC bilang isang institusyon kundi upang tumulong sa paglilinis ng justice system. (Ulat ni Malou Rongalerios)