Kapalit ni Garcia sa GSIS pinipili na

Namimiligrong masibak sa puwesto si GSIS president Winston Garcia sa harap ng pagrereklamo ng libu-libong kawani ng Government Service Insurance System sa palpak na pangangasiwa nito ng kontribusyon ng 1.4 milyong empleyado ng gobyerno.

Si Garcia ay nakatakdang humarap ngayong araw kay Pangulong Arroyo para hingan ng paliwanag dahil sa kabiguan ng kanyang pangasiwaang mabigyan ng salary loan at retirement benefits ang mga nagretiro nang kawani ng gobyerno.

Ayon sa source, mayroon nang nairekomendang listahan ng mga puwedeng ipalit kay Garcia kabilang sina Finance Usec. Eric Recto, Usec. Jose Cortez ng DOTC at IBC-13 executive vice pres. Evangeline Balbuena.

Magugunitang nagdaos ng protesta ang organisadong samahan ng mga manggagawa at hiningi nila sa Pangulo na sibakin si Garcia dahil sa pagkaantala ng pagbabayad ng retirement benefits at pagpapalabas ng pondo sa mga nag-apply ng salary loan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments