Ito ang sinabi kahapon ni Justice Undersecretary Jose Calida matapos na tiyakin nito na pinabibilis ng Department of Justice, National Bureau of Investigation at Citizens Battle Against Corruption ang imbestigasyon laban sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno.
Aniya, sa ngayon ay nakasalang ang 300 opisyal ng gobyerno sa kanilang isinasagawang imbestigasyon kung may basehan upang isampa ang kaukulang kaso laban sa mga ito.
Ang lifestyle check ay una ng ipinalabas ni Pangulong Arroyo upang makatulong pagsugpo sa corruption sa pamahalaan, kung saan posibleng ginagamit ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga resources nito sa pambababae.
Kaugnay din ng proyektong ito ang "Report a Mistress" project ng CIBAC upang matukoy kung sinu-sinong opisyal ng gobyerno ang siyang may mga kabit.
Gayuman, tiniyak ni Calida na hindi naman uungkatin ang personal na buhay ng sino mang mistresses na mapapatunayan na kabit ng isang opisyal upang maproteksiyunan din ang pagiging babae nito.
Tumanggi naman si Calida na magbigay ng pangalan kung sinu-sino sa mga opisyal ng gobyeno ang nakasalang ngayon sa kanilang imbestigasyon.
Kasabay nito, sinabi naman ng grupong CIBAC na patuloy silang hihingi ng legal opinion sa DOJ bago tuluyang magsulong ng kaso upang matiyak kung mayroong sapat na batayan ang isang kasong kanilang isasampa laban sa isang opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Grace dela Cruz)