Ang kasong kriminal na kinakaharap nina Marquez at Ofelia Caunan, head ng General Services Office and Purchasing Officer ng Parañaque at ilang Jane Does ay nangyari noong 1996, 1997 at 1998.
Sa kasong isinampa, umabot sa P1.219 milyon ang overprice sa transaksiyon na hindi dumaan sa public bidding. Ang mga biniling bala at baril ay para sa mga pulis na nakatalaga sa Parañaque.
Inirekomenda ang P30,000 piyansa bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Ulat ni Malou Rongalerios)