Pagtutuunan ng pansin sa pagdinig ang pagdetermina kung sapat ang porma o "sufficient in form" ang inihaing reklamo laban sa mga mahistrado.
Inakusahan ni Estrada sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Rene Saguisag ang mga SC justices na lumabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust at paglabag sa code of conduct and ethical standard for public officials and employees.
Naniniwala ang kampo ni Estrada na illegal ang ginawang pagluklok ng Korte Suprema kay Pangulong Arroyo. Nakipagsabwatan umano ang mga mahistrado sa mga nasa likod ng EDSA 2 forces upang mapatalsik siya sa puwesto. (Ulat ni Malou Rongalerios)