Nabatid na ang nasabing halaga ay inilagay umano ng dating solon sa IMPSA deal.
Ang paglilinaw ay nagmula sa Swiss government na nagsabing natutumbok na nila mula sa nakalap na paper trail sa 16 na bangko na pinaglagakan ng mga taong kakilala ni Perez sa bansang Switzerland.
Idinawit din ng Swiss govt ang maybahay ni Perez na si Rosario Salvador Perez, bayaw na si Arceo at ang negosyanteng si Ernest de Leon Escaler bilang mga personalidad na naglagak ng milyong dolyar na pera umano ni Perez sa EFG Private bank sa Geneva at Guernsy branch sa nasabing bansa noong 2001.
Pawang magkakasunod na idineposito ang mga salaping dolyar doon at kaduda-dudang na-withdraw din agad.
Dahil sa nasabing mga paglilinaw ay maaari ng isulong ang kasong money laundering laban kay Perez. (Ulat ni Ludy Bermudo)