Ayon sa PhilHealth ang pagtaas ay dulot ng pagkakaroon ng mga karagdagang benepisyong ibibigay ng ahensiya sa mga miyembro nito. Kasama sa mga rason na ibinigay ng PhilHealth ay ang pagpapatibay ng National Health Insurance Program.
Ayon sa ipatutupad na pangongolekta, ang monthly salary contribution base ng isang miyembro ay itataas sa P4,000 simula Enero 1. Ang monthly contribution ng employed sector ay itataas mula P75 ay gagawin na itong P100 kada buwan o 2.5 porsiyento ng kanyang buwanang monthly salary bracket.
Ang monthly salary cap ay itataas naman mula sa P10,000 sa P15,000 sa 2004. Sa 2005 ay muli itong itataas mula P15,000 ay gagawing P20,000.
Sinabi ng PhilHealth na kapag hindi naipatupad ang pagtataas sa minimum contribution ay kakapusin ng pondo ang ahensiya upang ipangtustos sa mga benepisyo ng mga miyembro nito. (Ulat ni Edwin Balasa)