Nabatid na sinita ng Pangulo si Tina Panganiban-Perez ng GMA-7 nang bumisita ang Presidente sa Calapan, Oriental Mindoro.
Sinabihan ng Pangulo si Perez sa harap ng may 100 katao kaugnay ng ginawa nitong pakikipanayam kay Senador Gringo Honasan na isinahimpapawid sa palatuntunang "Saksi" gayong mayroon pang state of rebellion at ito raw ay "abetting rebellion."
"My assets told me they saw you (Tina) with Gringo during the state of rebellion. Did you interview Dagudag? anang Pangulo sa nai-tape na paninita nito sa reporter.
Ipinaliwanag ni Perez na ang interview ay isinahimpapawid noong Agosto 12, isang araw matapos alisin ang pagpapatupad ng state of rebellion.
Agad namang nilinaw ni Deputy Presidential Spokesperson Ricardo Saludo na walang intensiyon ang Pangulo na busalan ang media.
"The government is not engaged in spying on the media or in the harassment of reporters in the conduct of their legitimate work. Tina Panganiban-Perez was encountered by chance by intelligence assets assigned to determine the whereaboiuts of Senator Honasan, who is suspected of being involved in the Oakwood incident," pahayag ni Saludo sa kanyang press statement.
Wala anyang planong takutin o kasuhan si Perez.
Sinabi naman ni Press Secretary Milton Alingod na kung sinita man ng Presidente ang media reporter, wala naman siyang intensiyong masama kundi para siyang isang ina na nangangaral sa isang anak. (Ulat ni Lilia Tolentino)