Ayon kay Atty. Homobono Adaza, lead counsel ng Magdalo, ito ay sa dahilang bias umano ang mga abogado ng pamahalaan kaya nagdesisyon sila na "mag-invoke ng silence" sa fact finding team.
Pumayag naman ang komisyon at binigyan sila ng limang araw para makapagsumite ng affidavit sa halip na magbigay ng kanilang "verbal testimonies."
Nakatakda sanang isalang kahapon ang tatlo pang lider ng mutineers na sina Navy Ltsg. James Layug, Army Capt. Gerardo Gambala at Marine Capt. Gary Alejano. Una nang humarap sa komisyon noong nakaraang Miyerkules sina Navy Ltsg. Antonio Trillanes at Army Capt. Milo Maestrecampo. (Ulat ni Joy Cantos)