Ayon kay Justice Secretary Simeon Datumanong, ang kasong kinakaharap ni Honasan ay may katumbas na habambuhay na pagkabilanggo hanggang sa parusang kamatayan kaya hindi applicable sa nabanggit na senador ang Article 11 Section 6 ng Constitution.
Sa ilalim ng naturang batas, hindi maaaring arestuhin ng pulisya ang isang miyembro ng Kongreso kapag ito ay nasa isang session at hindi rin maaaring kuwestiyunin ang ano mang pahayag (speech) nito habang nagsasalita sa loob ng Kongreso.
Ngunit sakop lamang ng nasabing batas ang sino mang senador o kongresista na may kinakaharap na kasong kriminal na may katumbas na kaparusahang hindi lalampas sa anim na taon.
Samantala, siniguro kahapon ni Senate President Franklin Drilon na haharapin ni Honasan ang kaso matapos ipabatid sa kanya ng huli na nag-oorganisa na ito ng mga abugado na magtatanggol sa huli. (Ulat nina Grace dela Cruz/Rudy Andal)