Pawang opisyal at walang enlisted men ang isasalang sa court martial proceeding, kabilang dito ang limang hard core na lider ng grupo na sina Navy Lt/SG Antonio Trillanes, Lt/SG James Layug, Army Capt. Geraldo Gambala, Army Capt. Milo Maestrecampo at Marine Capt. Gary Lejano.
Bubuuin na ang mga miyembro ng court martial, kung saan 10 ang kadalasang miyembro nito.
Paglabag sa limang probisyon sa Articles of War ang isasampa sa mga ito kabilang ang AWOL, pambabastos sa Pangulo at iba pang opisyal ng bansa, mutiny o sedition, desertion at conduct unbecoming of an officer and gentleman.
Isasaayos na ng AFP kung saang lugar sa Camp Aguinaldo isasagawa ang general court martial laban kina Trillanes. (Ulat ni Joy Cantos)