LTO di tinanggap ni Bengzon, Lastimoso hepe parin

Wala nang magaganap na turn-over ceremony sa Land Transportation Office makaraang hindi tanggapin ni Dep’t of Transportation and Communications Undersecretary Agustin Bengzon ang puwesto sa LTO.

Sa kanyang liham kay Pangulong Arroyo, sinabi ni Bengzon na malaking karangalan ang ginawang pagpili nito sa kanya para pamunuan ang LTO subalit hindi niya ito tatanggapin "for personal reason."

"Although my appointment has been reported in the media, there has been no formal turn-over as of this date. May I therefore request that this letter be made public to avoid confusion," nakasaad sa liham ni Bengzon sa Pangulo.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTO Chief Roberto Lastimoso na hanggat wala pa ring ipinapalit sa kanya ang Pangulo ay patuloy siyang magseserbisyo sa publiko.

Una na rito, nakakuha ng kakampi si Lastimoso mula sa transport groups. Sa nilagdaang manifesto ng PCDO-ACTO, FERCODA, PISTON, MUNTIDAP at MakatiTODAP, sinabi ng naturang mga grupo na walang ginawang masama sa pagtupad sa kanyang tungkulin si Lastimoso kaya marapat lamang na manatili ito sa tungkulin bilang hepe ng LTO. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments