Inamin ni GRP panel head Silvestre Bello III na malaki ang epekto sa peace talks ang naging deklarasyon ng Pangulo na nag-akusa sa NPA na dawit ang mga ito sa ilegal na droga.
Dahil dito, sinabi ni Bello na hihintayin muna nito ang pinakahuling direktiba ng Pangulo kung itutuloy o hindi ang pakikipag-negosasyon sa CPP-NDF.
Inaasahan ni Bello na negatibo ang magiging reaksyon ng liderato ng CPP-NDF sa naging pahayag ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)