5 bagong mahistrado ng CA hinirang

Pormal nang humirang kahapon si Pangulong Arroyo ng limang bagong mahistrado ng Court of Appeals (CA) upang punan ang bakanteng puwesto, ito’y sina Arturo Brion, Rosalinda Vicente, Arsenio Magpale, Jose Reyes Jr. at Jose Mendoza.

Samantala, wala pang desisyon ang Pangulo kung sino naman ang itatalagang mahistrado sa Korte Suprema matapos mabakante ng magretiro si Justice Vicente Mendoza.

Nangunguna sa mga pinagpipilian ng Pangulo batay sa listahan ng Judicial and Bar Council sina dating Congressman Dante Tinga at Presbiterio Velasco na kasalukuyang administrador ng SC. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments