Sinabi ni Drilon, kakailanganin pa rin ang 13 boto upang mapaalis siya bilang senate president dahil ito ang nakasaad sa rules ng Mataas na Kapulungan.
Malinaw anya sa senate rules na para mapatalsik mo sa puwesto ang pangulo ng senado at makapagluklok ng panibagong liderato ay dapat iboto ito ng majority ng senators sa botong 13.
Nakatakda namang magkaroon ng panibagong chairman ang mga komite na iniwan ni Cayetano, partikular ang senate committee on education at committee on energy.
Magkakaroon ng caucus ng majority bloc sa darating na Huwebes upang pag-usapan ang nabakanteng komite ni Cayetano at malamang na isa sa mga komiteng ito ay ibigay na nila sa minority bloc.
Pag-uusapan din ng majority bloc kung papayagan nito si Senate Majority Leader Loren Legarda na magbitiw sa posisyon nito upang kunin ang chairmanship ng education committee. (Ulat ni Rudy Andal)