Aniya, dapat na pangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paglagda ng peace covenant at hikayatin nito ang lahat ng mga nag-aambisyong pumalit sa kanyang puwesto na maiwasan ang madugong eleksyon.
"Tingnan mo ngayon ang mangyayari, hati-hati ang mga mamamayan dahil sa pulitika. Kaliwat kanan ang batikos sa executive at judiciary. Halos walang katahimikan ang Pilipinas," ani Marcos.
Partikular na dapat aniyang lumagda sa peace covenant sina Arroyo, Sen. Raul Roco, dating Amb. Eduardo Conjuangco Jr., Sen.Ramon Magsaysay Jr., Sen. Panfilo Lacson at Fernando Poe Jr.
Dapat aniyang mangako ang lahat ng mga lalagda sa kasunduan na magtutulungan sila upang masiguro na ang boses ng masa ang tunay na mangingibabaw sa isasagawang eleksyon.
Kailangan aniyang tumayong saksi sa lalagdaang peace covenant ang mga lider ng ibat ibang simbahan, kinatawan ng Commission on Elections, media at PNP. (Ulat ni Malou R. Escudero)