Sa pahayag ni Mrs. Victoria Cabral ng Meycauayan, Bulacan, land-owner ng 20,000 square meters (2 hectares) na lupain na nasa bahagi ng Lambakin, Marilao, Bulacan at isa sa umanoy nabiktima, pinepeke umano ang mga papeles ng mga lupa upang maging agricultural area ang mga industrial and residential zones nang sa gayon, sa pamamagitan naman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan ay makuha naman sa tunay na nagmamay-ari.
Sa pahayag ni Mrs. Cabral, ang kanyang lupain ay nasa ilalim ng Operation Land Transfer ng namayapa nang si Quintin Bernardo. Noong nakaraang Hunyo 1999 sa pamamagitan ng isang nagngangalang Fortunato Bernardo, attorney-in-fact ni Quintin Bernardo, ay nagkaroon ng joint venture agreement sa dalawang binanggit na developer at dinebelop ang nabanggit na lupain kung saan ginawang subdivision na siyang ibinebenta sa mga potential buyers.
Nang makarating sa kaalaman ni Cabral ay agad itong humingi ng assistance sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kaagad namang nagbigay ng "ceased and deceased order" upang matigil ang operasyon ng mga naturang debeloper. Subalit hindi anya nangyari ito at tuluyang ibinenta ang naturang property na siya naman umanong kinunsinti ng DAR. (Ulat ni Angie dela Cruz)