Sinabi ni Sen. Magsaysay, chairman ng senate committees on national defense and security at agriculture and food, na handa siyang magsakripisyo sa kanyang plano na tumakbong pangulo kung si Pangulong Arroyo ay muling tatakbo.
Wika pa ni Magsaysay, mayroong hanggang katapusan ng Hulyo ang Pangulo upang magdesisyon kung kakandidato ba ito sa darating na halalan o mananatili sa kanyang December 30 promise na hindi na siya tatakbo.
Pero kung hindi na talaga tatakbo si GMA ay nakahanda siyang maging standard bearer ng partido upang maging "healing leader" ng bansa.
Aniya, bilang isang mechanical engineer ay handa niyang "kumpunihin" ang anumang sira o diperensiya sa gobyerno sa sandaling mailuklok bilang presidente tulad ng kanyang amang si dating Pangulong Ramon Magsaysay Sr. (Ulat Rudy Andal)