Bandang alas-4 ng hapon nang dumating ang Pangulo sa LTO main office pero nagulat ito dahil sarado na ang mga window para sa mga nag-aaplay ng lisensya o permit.
Nilinaw sa Pangulo ng mga LTO staff na alas-4 ang cut off time kung kaya hindi na tumatanggap pa ng kliyente.
Iginiit naman ng Pangulo na hanggang alas-5 ng hapon ang trabaho sa gobyerno kaya nairita ito sa LTO.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang Pangulo na makausap mismo ang mga mamamayan na nasa sa LTO at dito natuklasan na hindi nabibigyan ang mga ito ng sapat na serbisyo bukod pa sa katakot-takot na pinaiiral na sistema.
Dahil dito, iniutos ni Pangulong Arroyo ang pagsususpinde sa ipinatutupad na Early Warning Device (EWD) sa LTO sa lahat ng mga motorista na isa sa kinakailangan para makapagpa-rehistro ng sasakyan.
Sinabi ng mga motorista sa Pangulo na tila isang uri ito ng holdap at napipilitan ang mga ito na bumili ng mahigit sa halagang P400 na EWD. (Ulat nina Ely Saludar/Angie dela Cruz)