Itoy kasunod ng mga ulat na patuloy na lumalakas ang tropical depression "Dodong" na isa na ngayong bagyo at tulad ni Chedeng ay pinangangambahang mananalasa din sa Hilagang Luzon.
Sa pinakahuling ulat ng PAG-ASA, nakataas ang signal no. 1 sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, La Union at Ilocos province.
Kahapon ay nagtungo sa Pangasinan si Reyes at nakipagmiting sa mga alkalde at iba pang lokal na opisyal kaugnay sa preparation at rehabilitation efforts ng Agno River.
Nagpalabas ng P5 milyon si Pangulong Arroyo noong nakaraang linggo bilang dagdag na tulong para sa rekonstruksiyon ng Urdaneta public market na nasunog sa kasagsagan ng bagyong Chedeng. Nagkaloob din ng tig-P5 milyon si Pangasinan Rep. Mark Cojuangco at lokal na pamahalaan ng Urdaneta.
Tinalakay din nina Reyes at mga local officials ng Pangasinan ang kalagayan ng drainage system sa lalawigan. Base sa mga ulat na natanggap ni Reyes, baradong drainage ang dahilan ng pagbaha sa Urdaneta, Dagupan, Calasiao at Sta. Barbara sa kasagsagan ng bagyong Chedeng.
Iginiit ng defense chief na bagaman ang disaster preparedness ay matagal nang na-devolve sa mga local government units (LGUs), mas epektibo pa rin kung tutulong maging ang national government at mamamayan lalo sa rescue operation at relief assistance. (Ulat ni Joy Cantos)