Sinabi ni Sen. Oreta, dapat ay tularan na lamang ni Sec. Camacho ang naging pananaw ng Board of Investment (BOI) na naunang tumututol sa panukala ng Senado subalit umayon na rin matapos mapag-aralang mabuti ang AUV-friendly excise tax ng mataas na kapulungan.
Magugunita na nanawagan na rin ang Automotive Industry Workers Alliance (AIWA) sa mga mambabatas at kay Sec. Camacho na ibasura ang pagpapataw ng excise tax sa mga AUVs dahil ang mga local assemblers ang tuwirang tatamaan ng bagong pagbubuwis na ito at mangangahulugan naman ito ng malawakang lay-offs sa kanilang sektor. (Ulat ni Rudy Andal)