Naniniwala ang mga kongresista na hindi magiging epektibo ang ipatutupad na seminars simula Hunyo 9-11 kung hindi naman makakadalo ang mga magulang dahil sa kanilang trabaho.
Kahit na idineklarang SARS free ng World Health Organizations ang Pilipinas, wala pa ring katiyakan na hindi na makakapasok ang nakamamatay na sakit sa bansa. Mahalaga aniya na malaman ng mga magulang ang precautionary measures na dapat nilang gawin upang walang maging carrier ng SARS sa kanilang pamilya.
Hindi na rin umano kailangan pang ideklara ng Malacañang na non-working days ang Hunyo 9-11 dahil ang mga magulang lamang na may nag-aaral na anak ang exempted sa trabaho. (Ulat ni Malou Escudero)