Ang panawagan ay bunsod na rin ng taun-taong pagtaas ng matrikula at napipintong pagtaas ng pamasahe bunsod ng hindi mapigilang pagbulusok ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Marcos na mayroong obligasyon ang pamahalaan sa mga estudyante na tulungan sila sa anumang pangangailangan nila sa kanilang pag-aaral.
Malaking katipiran aniya para sa mga magulang ang pagbibigay ng 25% discount ng ibat ibang establishments. Makakatipid sila ng mula P1 hanggang P5 sa pamasahe pa lamang.
Bukod sa pamasahe sa jeep, dapat din aniyang mabigyan ng discount ang mga estudyante sa mga FX, PNR trains, MRT, LRT at mga commercial airlines.
Mahalaga aniyang makipagtulungan ang mga negosyante sa panahong malaki ang ginagastos na salapi ng mga estudyante partikular iyong mga nasa kolehiyo. (Ulat ni Malou Escudero)