Sinabi ni DFA Undersecretary Jose Brillantes na ibinilang ng WHO ang RP sa mga may problema sa SARS kaya ipinagbawal ng Taiwan, Kuwait, Lebanon at United Arab Emirates, ang pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang bansa. Gayundin ang travel advisory ng Singapore at Japan sa pagbisita ng kanilang mamamayan sa Pilipinas sa takot na mahawa sa SARS.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nakikita naman ng mundo na hindi grabe ang sitwasyon sa bansa at ang SARS committee ay nagsasagawa ng hakbang para masugpo ang paglaganap ng SARS.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng SARS committee kung magpapatupad din ang Pilipinas ng travel ban sa mga bansang mas malala ang problema sa SARS kumpara sa bansa.
Ang Pilipinas ay mayroong 10 kaso ng SARS at dalawa na ang naitalang nasawi. (Ulat ni Lilia Tolentino)