Ipinarating ni Health Secretary Manuel Dayrit kay Education Secretary Edilberto de Jesus na walang dahilan para ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na nakatakda sa Hunyo 9. Pero sakaling magkaroon ng kaso ng SARS sa partikular na lugar ay agad ipababatid ng DepEd.
Si Dayrit, chairman ng Anti-SARS committee, ang inatasan ni Pangulong Arroyo na magsagawa ng pag-aaral kung dapat o hindi antalahin ang opening ng klase sa mga paaralan para maiiwas ang mga mag-aaral sa panganib ng killer pneumonia.
Bago magbukas ang mga klase, maglulunsad ang DepEd ng isang linggong Anti-SARS campaign sa lahat ng paaralan sa bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)