Kinilala ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang Pinay sa inisyal nitong CY na namatay dakong 9:30 ng gabi nitong Biyernes.
Ayon ka Sto. Tomas, agad ding iki-cremate ang labi ni CY subalit ang hindi pa tiyak ay kung iuuwi sa Pilipinas ang kanyang abo.
Si CY ay kasal sa isang Chinese national at isa nang HK resident pero may mga anak ito sa Mabalacat, Pampanga.
Nabatid kay Labor Undersecretary Manuel Imson na si CY ay na-confine sa intensive care unit ng United Christian Hospital sa HK simula pa nong Marso 18.
Ayon kay Imson, ang asawa ni CY ang nagpabatid sa Philippine consulate sa Hong Kong hinggil sa pagkamatay ni CY.
Si CY ang ikalawang Filipina na namatay sa SARS sa HK at ikatlo sa mga Filipino sa abroad.
Ang unang Filipina SARS fatality ay ang domestic helper na si Adela Dalingay na namatay noong nakaraang Marso 24.
Isang Pinoy nurse, si JP, ay namatay din sa SARS noong nakaraang Miyerkules ng gabi sa Singapore. Ang kanyang labi ay agad crinemate at naghihintay pang maiuwi sa bansa.
Nilinaw ni Sto. Tomas na nakuha ni JP ang deadly viral infection mula sa inaalagaan nitong 80-anyos at hindi sa kanyang Pinay girlfriend.
Kabuuang 25 kaso ng SARS, kabilang ang tatlong nabanggit na pagkamatay ang nairekord sa mga Filipino sa HK at Singapore. Sa naturang bilang, dalawa ang kasalukuyang naka-confine sa HK hospital at nasa stable condition na habang ang iba ay nakarekober na. (Ulat ni Ellen Fernando)