Nabatid kay Sen. de Castro sa panayam ng PSN na isang anak ni Sen. Cayetano ang naging donor ng kidney at tinanggap naman ito ng kanyang katawan kaya nagpapalakas na lamang umano si Compañero at nakahanda na itong umuwi sa bansa anumang oras.
Kaugnay nito, hindi na interesado si Cayetano na kunin ang pagiging Senate president mula kay Sen. Franklin Drilon kahit bumalik pa ito sa Pilipinas. Pero sa sandaling hilingin niya ito ay handa naman si Drilon na tuparin ang kanilang kasunduan sa term-sharing.
Inaasahan naman na tatakbong muli si Cayetano bilang re-electionist senator sa darating na 2004 elections. (Ulat ni Rudy Andal)