Kaya naman may multang hindi bababa sa P60,000 hanggang P100,000 ang ipapataw sa mga taong tatangging sumailalim sa automatic quarantine at hindi magbibigay ng tamang impormasyon sa mga awtoridad kaugnay sa nakamamatay na SARS.
Ito ang nilalaman ng House Bill 5937 na inihain kahapon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada.
Layunin ng panukalang batas ni Lozada na gawing mandatory ang pagsasailalim sa quarantine ng mga taong pinaghihinalaang carrier o infected ng SARS.
Samantala sinabi ni Pangulong Arroyo na papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang overseas Filipino workers na tatangging magpasuri sa manggagamot pagbaba nila sa paliparan at daungan.
Gayundin naman sa mga pasaherong mula sa ibang bansa na maghaharap ng palsipikadong health certificate.
Ang mas mahigpit na alintuntunin sa kuwarantina at pagsusuri ng lahat na maaaring nahawahan ng SARS ay iniutos ng Pangulo kasunod ng mga ulat na nagrereklamo na ang mga mamamayan sa isang barangay sa Alcala, Pangasinan dahil sa posibleng nahawahan sila ng yumaong si Adela Catalon. (Ulat nina Malou R. Escudero/Lilia Tolentino)