Siya ang tumayong chairman sa 3-man committee na ito at ang kanyang bayaw na Chief of Staff ng Iraqi Army at deputy nito na si Adnan Hamdani ang mga miyembro.
Sikretong nag-ooperate ang nasabing komite at maging si Pres. Bakr ay hindi alam ang kanilang gawain.
Kinukuha ng komite ang 5 porsiyentong kita ng langis ng Iraq bilang pondo sa paggawa ni Saddam ng unconventional weapons o mapamuksang armas.
Dahil sa laki ng perang hawak nito, kumuha si Saddam ng mga kakailanganing tao gaya ng mga scientists at engineers na siyang gagawa ng mga malalakas na armas.
Upang maisakatuparan lahat ng gusto nang lingid kay Pres. Bakr, ginamit niya ang kanyang posisyon upang isagawa ang "repatriation program" para sa mga Arab scientists at professional engineers sa buong mundo.
Ang mga Arab scientists ay kinabibilangan ng mga Egyptians, Palestinians at Morroccans at hindi kabilang ang mga Iraqis sa listahan.
Para masugpo ang paggawa ng mga unconventional weapons, hinimok ng mga makakaliwa na huwag bigyan ng kagamitan at atomic reactors ang Iraq subalit hindi rin ito nagtagumpay.
Lahat ng hilingin ni Saddam sa Western governments ay kanyang nakukuha. Kung may pagkakataon na tinanggihan ito, nakukuha naman niya sa ibang bansa ang nais.
Malaya ring nakakuha ng blueprints ng chemical warfare plan si Saddam mula sa ilang kakutsaba sa US.
Inakusahan pa ng mga bansa ang Europeans na may kagagawan nito subalit ibinunyag na isang American company at writers sa New York ang nag-suplay ng blueprints kay Saddam. Alam din umano ito ng US. (Itutuloy)