Ayon kay Bayan Muna Rep. Crispin Beltran, simula noong taong 1957, nagsimula nang tumaas ang unemployment rate ng bansa at taun-taon itong lumalaki.
Sa karagdagang labor force na 321,000 noong nakalipas na taon tanging 167,000 lamang ang nakakuha ng trabaho. Mayorya sa mga ito ay hindi nagtatrabaho sa manufacturing at agriculture sectors kundi sa own-account" o nagtayo ng sariling business.
Hindi pa aniya kabilang dito ang mga bagong graduates ngayong Marso at Abril na inaasahang lalong magpapataas sa unemploymnet ng bansa.
Sinabi ni Beltran na habang tumatagal ay patuloy na umaasa ang gobyerno sa overseas employment para siyang bumuhay sa naghihingalong ekonomiya ng Pilipinas. Sa halip na lumikha ng local employment, itinutulak pa umano ng pamahalaan ang maraming Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa. (Ulat ni Malou Escudero)