Ayon kay Sandiganbayan Special Division acting chairman Edilberto Sandoval, hindi naghain ng pagtutol ang korte sa kahilingan ni Jinggoy dahil maituturing na isang family gathering ang gagawin ng mga Estrada.
Sa isang sulat ni Jinggoy noong Abril 14, 2003, hiniling nito na payagan ng korte ang kanyang pamilya na maidaos ang birthday ng kanyang ama sa loob ng VMMC sa Abril 19, Sabado de Gloria.
Ito ang ikalawang beses na magdiriwang ng kanyang kaarawan si Estrada sa loob ng ospital mula ng siya ay makulong.
Para na rin sa seguridad ng dating pangulo, limitado ang mga bisita sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nito.
Pinadalhan na rin ng notice ng korte sina PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane at Sandiganbayan sheriff Edgardo Urieta upang ipaalam ang isasagawang party at mapaigting ang seguridad sa Veterans. (Ulat ni Malou Escudero)