Ito ang lantarang sinabi ni Flavier nang hingan ng reaksiyon kung nakahanda siyang isakripisyo ang ambisyon na maging presidente ng bansa kung may kaalyado siyang tatakbo sa nasabing posisyon.
Gayunman, sinabi nito na kung darating ang araw na mataas ang kanyang popularity rating, may sapat siyang pondo para tumakbo sa eleksiyon, may malakas na pangangatawan at kung pipilitin siya ng People Power Coalition (PPC) na maging standard bearer ay pipiliin na lamang niyang ipagpatuloy ang pagtakbo sa halalan.
Ngayong panahon ng Semana Santa ay taimtim umano niyang pag-iisipan kung tatakbo pa o hindi.
Bukod kay Magsaysay, ang iba pang makakalaban ni Flavier upang maging presidential candidate ng PPC ay sina Senate President Franklin Drilon, Vice President Teofisto Guingona at Sen. Loren Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)