Sa report kay Pangulong Arroyo, sinabi ni DFA Secretary Blas Ople na ipinatawag na niya si Iraqi Charge dAffaires Samir Bolus para ipaalam na inalisan na nila ng accreditation sina Abdul Karim Shawaikh, First Secretary ng Iraqi Embassy at Karim Nassh Hamid, attache ng Iraqi Embassy sa Maynila.
Ipinabatid ni Ople sa Iraqi charge daffaires na ang pagpapatalsik sa dalawa nilang diplomat ay hindi dahil sa kahilingan ng pamahalaang Amerika kundi dahil sa ebidensiyang sangkot sila sa pag-eespiya.
Gayunman, nilinaw ni Ople na hindi ito nangangahulugan na ipasasara na ng Pilipinas ang embahada ng Iraq sa Maynila. Nais pa rin ng pamahalaan na panatilihin ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa panig naman ni Bolus, nilinaw nito na ang Iraq ay hindi nagbabantang atakihin ang Pilipinas. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ellen Fernando)