Inianunsyo ni British Foreign Secretary Jack Straw ang bagong resolusyong ito sa isinagawang pagpupulong ng UN Security Council.
"Iraq will have failed to take the final opportunity..unless on or before March 17, 2003, the Council concludes that Iraq has demonstrated full, unconditional, immediate and active cooperation with its disarmament obligations," ani Spraw.
Gayunman, mukhang mahihirapan silang makumbinsi ang 6 undecided nations na suportahan ang bagong UN draft resolution.
Agad ibinasura ng France na may Security Council veto power ang ultimatum ilang minuto matapos na magsalita si Straw.
Sinabi ni Foreign Minister Dominique de Villepin na hindi nila matatanggap ang anumang resolusyon na magiging daan ng giyera. "We would not accept any ultimatum," ani Villepin.
Maging si German Foreign Minister Joschka Fischer ay ni-reject din ang nasabing panukalang ultimatum. "This is an ultimatum which immediately leads to a military action."
Ang nilalaman ng resolusyon ay inaasahang pagbobotohan sa Martes.
Mangangailangan ng siyam na boto sa kabuuang 15 miyembro ng Security Council upang maaprubahan ang bagong resolusyon.
Idinagdag ng France, China at Russia na kanilang tututulan ang digmaan at anuman sa kanila ay nagpahayag na kanilang pababagsakin ang resolusyon sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang veto power.
May nakahanda nang mahigit sa 300,000 troops, 50 warplanes, at dose-dosenang warships ang US upang magsagawa ng giyera at puwersahang pabagsakin si Iraqi President Saddam Hussein.
Inihayag ni US Pres. Bush noong Huwebes na isusulong nito ang giyera, may approval man o wala ng United Nations, matapos ang ibinigay na ultimatum.
Kaugnay nito, sinimulan na ng Iraq ang pagwasak sa anim pang Al-Samoud 2 missiles sa Al-Taji bilang bahagi ng pagsunod sa kautusan ng UN na sirain ang mga ipinagbabawal na rockets. Nauna nang winasak ang 34 missiles at dalawang casting chambers nito.