Ayon kay Lastimoso, walang kontrol ang ahensiya sa paggamit ng mga government agencies sa lahat ng mga sasakyan ng gobyerno dahil ang trabaho ng LTO ay tumutulong lamang at umasiste sa anumang sumbong, reklamo at verification ng naturang mga sasakyan.
Ang paglilinaw ng LTO ay may kinalaman sa ulat ng Civil Service Commission (CSC)
Lumabas sa report ng CSC na ang LTO ang may pinakamaraming bilang ng mga reklamong natatanggap nila mula sa TEXTCSC dahil sa di awtorisadong paggamit ng mga govt vehicles.
Sinabi ni Lastimoso na handa ang LTO na makipagtulungan sa CSC hinggil sa pagbusisi sa mga di awtorisadong paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno. (Ulat ni Angie dela Cruz)