Saklaw ng moratorium na hinihingi ng Pangulo ang LRT, bus, jeepney, taxi, FX at maging tricycle.
Sa gitna anya ng krisis na dulot ng patuloy na nakaambang pagsalakay sa Estados Unidos sa Iraq, hindi makabubuting magtaas ng singil sa pasahe.
Pansamantala lang anya ang pagtaas ng presyo ng langis pero natitiyak niyang babalik din sa normal na presyo sa sandaling matapos na ang tensiyon sa Gitnang Silangan.
Para maibsan ang hirap ng transport group, nag-alok ang Pangulo ng isang package benefits para sa mga miyembro ng grupo ng transportasyon.
Inatasan ng Pangulo si Housing Secretary Mike Defensor na magkaloob pa ng karagdagang alokasyon ng murang pabahay bukod sa 50 units na naitalaga na sa mga ito sa Montalban.
Inutos din ng Pangulo sa Phil. National Construction Corp. na i-rollback ang toll fees sa North at South Expressways para sa mga pamprobinsiyang bus.
Maglalagay din ng gas at diesel pumps sa mga terminal, kasabay ng utos kay MMDA Chairman at DPWH Secretary Bayani Fernando na magtayo ng istasyon ng bus sa magkabilang dulo ng MRT para hindi na pumasok sa siyudad ang mga bus. Ang mga terminal na ito ang siyang magsisilbing koneksiyon sa pagsakay ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT.
Ang panimulang pondo sa itatatag na terminal ay manggagaling sa Department of Trade and Industry. (Ulat ni Lilia Tolentino)