Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr., matapos ang takdang oras ni Hussain ay idedeklara itong illegal alien kasunod sa paglalagay sa kanya sa Bureau of Immigration bilang isang blacklisted person.
Tatanggalin na rin sa kanya ang kanyang diplomatic rights kaya maaari itong arestuhin kapag lumampas sa taning ng pananatili sa bansa.
Niliwanag ni Baja na walang kaugnayan ang kautusan na paalisin si Hussain sa naging pag-uusap sa telepono nina Pangulong Arroyo at US President Bush. Isang araw matapos magkausap ang Pangulo at si Bush sa telepono ay ibinaba ang kautusang palayasin sa loob ng 48 oras si Hussain.
Si Hussain ang pangalawang Iraqi diplomat na pinalayas ng bansa simula ng magkaroon ng relasyon ang dalawang bansa noong 1975. Nauna na si Charge d Affaires Muwafaq Al-Ani noong Enero 1991 matapos na makipag-usap sa isa sa dalawang suspek na nagtangkang pasabugin ang Thomas Jefferson Cultural Center. (Ulat nina Ellen Fernando/Gemma Amargo)