Sa pahayag ni Ka Roger, nakakahiya umano si Pangulong Arroyo dahil sa ginagawa nitong hayagang pagsuporta kay US President Bush.
Binatikos din ni Ka Roger ang Pangulo sa umanoy planong payagan ang Amerika na ipagamit ang ating airstrip.
Sinabi ni Ka Roger na kikilos ang 9,000 miyembro ng NPA sa pamamagitan ng paghahasik ng tactical offensives laban sa mercenary troops ng militar at pulisya upang pahinain ang "utu-utong rehimeng Arroyo."
Si Pangulong Arroyo ang pinaka-lantarang lider sa Asya na sumusuporta sa plano ng US na atakihin ang Iraq.
Binigyang diin ng Pangulo na bilang miyembro ng komunidad ng mga bansa, kailangang tumayo ang Pilipinas kasama ng sibilisadong nasyon sa mundo laban sa hindi sibilisadong paraan ng pakikidigma na ipinapakita ng Iraq.
Hanggat may terorismo umano, mananatiling nasa panganib ang lahat ng mga Pilipino kahit na sila ay nasa Gitnang Silangan at Estados Unidos at maging dito sa bansa.
Idinagdag pa ng Pangulo na habang may terorismo, posibleng makasama ang Pilipinas sa mga aatakihin ng Iraq kung matuloy ang giyera nila ng US.