Sinabi ni Sen. Legarda na dapat makiisa ang Pilipino na huwag payagan ang human cloning na ito na produkto ng cloning laboratory.
"Every child should be born from the consumation of love and not from a petri dish or the cold apparatus of a laboratory," paliwanag ni Legarda.
Aniya, hindi guinea pig ang tao para padamihin at maging instrumento ng scientists na nagsusulong ng human cloning sa mundo.
Ang human cloning na dati ay isa lamang science fiction ay naging isang katotohanan matapos matagumpay na maipanganak ang clone baby na si Eve sa isang cloning laboratory kamakailan.
Dahil dito, giniit ni Legarda na hindi dapat payagan sa ating bansa na dominado ng Katoliko ang human cloning dahil labag ito sa batas ng Diyos at kalikasan. (Ulat ni Rudy Andal)