Ang mga kinasuhan ay sina Annie Geron at Sonia Lipio, Presidente ng Samahang Malaya at Magkakaisang Kawani ng TESDA at TESDA Association of Concerned Employees Union.
Bukod dito, sinampahan din ni Liban ng libelo ang pahayagang Tempo dahil sa aniyay ginawang pakikipagkutsabahan kina Geron at Lipio noong Enero 18, 2003 na nagsasabing ang TESDA chief ay nagkaroon umano ng katiwalian at malversation ng pondo.
Inakusahan ang tanggapan ni Liban na sangkot sa anomalya ng pagbebenta ng Artist Record Book (ARB) at payola scheme sa pagitan ng TESDA officials at testing center owners. (Ulat ni Angie dela Cruz)