Ayon kay Pichay, dapat na magpakita ng dokumento si Lacson para patunayan ang kanyang alegasyon sa sinasabi nitong $14 milyong suhol.
"Baka sa kanya napunta yong $7 milyon," ani Pichay sa isang panayam.
Magugunita sa ginanap na pagdinig sa Senado ng Committee on Government Corporations and Public Enterprises, sinabi ni Lacson na ikinuwento sa kanya ni Manila Congressman Mark Jimenez na $2 milyon ang napunta kay dating Justice Secretary Hernando Perez, $4 milyon sa Malacanang, $1 milyon sa "for the boys" at $7 milyon sa hindi binanggit na mga tumanggap. (Ulat ni Malou Rongalerios)