Ayon sa Pangulo, ang mga bangko ay may naitalang P300B pautang na hindi nasisingil at mahigit P200B naman sa tinatawag na "reposed assets."
Sa ilalim ng bagong batas, ang mga bangko ay pinahihintulutang makaltas sa kanilang binabayarang buwis ang mga patay na pautang.
Sa ilalim ng SPV Law o Republic Act 9282, libre sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin ang pagbili ng "special purpose vehicles" para mabawi ang mga nahilang sasakyan ng mga bangko.
Binibigyang laya ang mga pribadong imbestor, lokal man o dayuhan para makabili ng SPVs para mabawi ang tinatawag na "non-performing assets" ng mga bangko. (Ulat ni Lilia Tolentino)