Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Jose de Venecia kaugnay sa pangamba ng ilan na magkukulang ang suplay ng langis sa Pilipinas na magiging dahilan sa pagtataas ng presyo nito.
Sinabi ni de Venecia na noon pang nakaraang Nobyembre 2002 ay nagkaroon na ng "oil at parliamentary diplomacy" sa pagitan ng Pilipinas at ng dalawang nabanggit na bansa.
Ang Pilipinas ay gumagamit ng nasa 330,000 bariles ng langis sa isang araw.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga opisyal ng Department of Energy kung gaano karaming langis ang aangkatin sa Iran at Russia kapag natigil ang pagsu-suplay ng langis sa Middle East dahil sa US-Iraq war.
Sinabi pa ni de Venecia na noon pang nakaraang taon ay naghahanap na ang bansa ng mapagkukunan ng crude oil kahit nag-uumpisa pa lamang ang girian sa pagitan ng Iraq at Amerika.
Mayaman sa langis ang Russian Far East region na Vladivostok-Nakhodra na malapit na sa Japan at South Korea. (Ulat ni Malou Escudero)