Ayon sa pinakahuling survey ng SWS kamakailan, nakakuha si Honasan ng 14% net approval at pumangalawa kay Sen. Loren Legarda na meron lamang 20 porsyento. Inihayag ni Atty. Rex Alvin "RMG Arab" Bilagot na sa nakaraang Ilocos regional chapter gathering sa Candon, Ilocos Sur ay inilunsad ang nasabing signature drive upang kumbinsihin ang senador sa malakas na suporta sa kanya ng sambayanan kung sakaling magpasya siyang isulong ang vice presidential bid sa 2004. Una rito ay nagkaroon ng unanimous resolution ang PGBI National Executive Council na humihikayat sa senador na mula Bicol na sungkitin ang mas mataas na katungkulan sa 2004.
Binigyang-diin naman ni retired Col. Red Kapunan, isa sa mga founder ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) at kasalukuyang PGBI executive vice president, na ang taglay na independent stance ni Honasan pati na ang kanyang record sa pagtatanggol sa bansa at sa democratic institutions nito at ang kanyang "excellent track record" bilang mambabatas ang mga basehan ng pag-endorso ng Guardians.
Si Honasan ay isa mga original at aktibong tagataguyod ng Philippine Patriotic Movement (PPM) na bumandera kamakailan ang major daily advertisement na nanawagan sa pagkakaisa ng lahat ng progressive forces sa bansa upang magkaroon ng isang malakas na bayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng sumusunod na limang bahagi: isang malakas na industrialized national economy, malakas na commitment sa social justice, just and democratic govt, isang malakas na sandatahang lakas, at mapayapa at produktibong ugnayan sa iba pang mga bansa.
Sinabi ni Honasan na bilang senador ay nakatulong ang kanyang national reform agenda sa pagsasakatuparan ng limang bahagi na isinusulong ng PPM. (Rudy Andal)