P5,000 bonus ng teachers ibibigay na

Magandang balita para sa tinatayang 450,000 mga pampublikong guro sa elementarya at sekondarya sa bansa.

Matapos ang ilang araw na pagkaantala dahil sa kakulangan ng pondo ay matatanggap na rin ng mga pampublikong guro ang kanilang P5,000 year-end cash gift na ipinangako ni Pangulong Arroyo para sa mga empleyado ng gobyerno.

Siniguro kahapon ni DepEd Secretary Edilberto de Jesus na simula Disyembre 13 o bago mag-Pasko ay matatanggap na nila ang Christmas gift na ito. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments